Video Poker – 5 Diskarte Para Gamitin ng Baguhan

Talaan ng Nilalaman

Ang mga video poker ay matagal nang nasa industriya ng online casino. Ngunit dahil sa pagdating ng modernong panahon, ito ay nag bigay ng mas magandang oportunidad para mas sumikat ang laro dahil madali itong malalaro sa online na bersyon. Para sa mga manlalaro na mahilig sa poker ngunit hindi gusto ang paggawa ng ilang mga diskarte katulad ng bluffing, ang video poker ang kanilang sandalan. Sa artikulong ito ng PhlWin aalamin natin ang ilang mga diskarte na maaari mong gawin sa paglalaro ng video poker.

Pangunahing Kaalaman sa Larong Video Poker

Ang video poker ay pinagsamang poker at slot machine, dahil nilalaro ito sa isang makina na katulad ng slot at nilalaro ito sa paraan ng poker kung saan ang diskarte ay maaaring makaapekto sa magiging resulta ng iyong laro. Sa pagsisimula ng laro ang manlalaro ay mabibigyan ng 5 card, mula dito maaari syang mamili ng mga card na pananatilihin at itatapon, pagkatapos mag desisyon ang bilang ng mga tinapong card ay mapapalitan, pagkatapos matangap ang lahat ng card maaari nya na itong ikumpara sa pay table ng laro. Kung ang manlalaro ay may nabuong kumbinasyon ayon sa pay table siya mananalo.

Video Poker Hand Rankings

Para sa mga batikan nang manlalaro ng poker ang mga video poker hands ay madali na lang matutukoy dahil ang mga ito ay may pagkakapareho. Maaari ang ibang uri ng video poker ay may ilang maliit na pagbabago sa mga ranggo ngunit halos parin ng mga ito ay magkakapareho. Kaya para bigyan ng mas malinawa na pag-unawa sa mga video poker hand ranking tignan ang chart sa ibaba:

Video Poker Hand

Paglalarawan

Royal Flush

A, K, Q, J & 10 lahat ng parehong suit. Hal 10 J Q K A

Straight Flush

Limang card sa pagkakasunud-sunod na may parehong suit. Hal 5 6 7 8 9

Four-of-a-Kind

Apat na baraha, pare-pareho ang ranggo. Hal 10 10 10 10 K

Full house

Three-of-a-Kind at isang Pares. Hal. A A A 6 6

Flush

Limang card na may parehong suit. Hal. 3 5 9 Q A

Straight

Limang card ang magkakasunod. Hal. A 2 3 4 5

Three-of-a-Kind

Tatlong baraha, pare-pareho ang ranggo. E. g. J J J 10 4

Pair

Dalawang card ng isang ranggo at dalawang card ng isa pang ranggo. Hal 3 3 J J 8

Mga Jack or Better

Isang pares ng Js , Qs, Ks o As. E. g. J J 5 6 9

Mga Variation ng Video Poker

Ang video poker ay sikat kaya naman maraming mga variation ang ginagawa para dagdagan ng excitement ang laro. Ang mga manlalaro ay madali din maakit sa mga bagong laro at mga gimik. Ang PhlWin ay naghanda ng maikling listahan ng mga pinakasikat na laro ng video poker.

Jacks or Better

Ang Jacks or Better ay isa sa pinakakilala at pinakakaraniwang variation. Walang online casino ang hindi nag-aalok ng larong ito. Ito ay sumusunod sa karaniwang ranggo ng mga kamay ng video poker, at ang pinakamahinang kamay na nakalista sa paytable ay isang pares ng mga Jack o iba pang mga face card. Nag-aalok din ang larong ito ng ng napakababang house edge at mataas na return percentage kung susundin ng isa ang pinakamahusay na diskarte at gagampanan ang 9/6 full-pay na bersyon.

Deuces Wild

Ang Deuces Wild ay isang karaniwang entry sa kategoryang “wild”. Ito ay isa sa pinakasikat na pamagat ng video poker kasama ng Jacks o Better. Ang larong ito ay available sa iba’t ibang mga pay chart, mula sa “full pay machine” hanggang sa mga machine na nagbabayad ng mas mababa sa .95 back per hand.

Bonus Poker

Ang Bonus Poker ay may kaunting pagkakaiba-iba sa sikat na Jacks or Better machine. Ang pinakamalaking pagkakaiba ng larong ito ay nag-aalok ng mas mataas kaysa sa karaniwan na payout para sa four of a kind. Ang pinakamagandang pay chart para sa Bonus Poker ay isang 8/5 chart, na nagbabalik ng .992 bawat kamay.

Tens or Better

Ang Tens or Better ay kahintulad ng Jacks or Better. Ito ay sikat dahil sa isang pagkakaiba-iba ng panuntunan na nagbabayad ng mga panalo para sa isang pares ng 10 o mas mahusay, sa halip na isang pares ng Jack o mas mahusay. Ang laro ay may Dalawang karaniwang Pay Table, ang isa ay nagbabayad ng 25 credits para sa isang four of a kind na kamay at ang isa ay nagbabayad lamang ng 20 credits para sa parehong kamay. Ang inaasahang return para sa 25-credit table ay .991, habang ang inaasahang return bawat kamay para sa 20-credit table ay.980.

Mga Tip at Estratehiya sa Baguhan ng Video Poker

Dumating na tayo sa layunin ng artikulong ito, ang pagbibigay ng tip at diskarte sa paglalaro ng video poker. Para sa isang baguhan, ang mga tip na ito ay dapat mong isa-isip at huwag kalimutan sa tuwing ikaw ay maglalaro ng video poker.

Suriin ang Pay Table ng Bawat Laro

Mahalaga ito pagdating sa paglalaro ng video poker. Ang larong ito ay may iba’t ibang mga uri at magkakaibang paraan ng pagbabayad at magkakaibang panuntun kaya naman mahalagang alamin ang mga ito para maiwasan ang simpleng hindi pagkakaunawaan sa mga panuntunan.

Manatili sa Isang Uri ng Laro

Katulad ng aming sinabi ang video poker ay may iba’t ibang uri kaya naman mahalaga para sa isang baguhan na manatili muna sa isang laro para maging pamilyar sa isang panuntunan. Ang mga pagbabago ay maaaring makaapekto sa iyong pagdedesisyon at diskarte, at ang pananatili sa isang laro ay mag bibigay sa iyo ng masmahusay na paglalaro.

Pamamahala ng Bankroll

Bilang isang baguhan o beteranong manlalaro mahalaga ang pamamahala ng bankroll hindi lang sa video poker kundi pati sa iba pang mga laro sa online casino. Ito ang tanging paraan upang maging matagumpay sa katagalan ng paglalaro. Magtakda ng malinaw na plano ng pagtaya at manatili dito; itaya mo lang kung ano ang kaya mong mawala.

Maglaro sa Max Coins

Alam naman natin na mahalaga ang pagtatakda ng budget sa pagtaya. Gayunpaman, ang pagtaya ng max ay maaaring magbigay sa iyo ng malaking payout kapag ikaw ay nakabuo ng Royal Flush (Jackpot) kaya naman inirerekomenda na gawin ito. Kung hindi kayang tumaya nang max coin hindi ka magiging kwalipikado para sa jackpot.

Mabagal na Paglalaro

Isa sa mga benepisyo ng paglalaro sa isang online platform ay walang naghihintay sa iyo, at walang oras sa iyong pagpapasya sa kung anong mga card ang iingatan. Ang paglalaro ng mabilis ay maaaring maging dahilan ng padalos-dalos na desiyon na hindi maganda para sa manlalaro. 

Konklusyon

Ang larong video poker ay talaga namang masaya at simpleng laruin. Hindi mo kailangan mag isip ng mga kumplikadong diskarte kumpara sa paglalaro sa isang pisikal na mesa ng poker kalaban ang iba pang mga manlalaro. Kaya naman maraming manlalaro ang pinipili ang larong ito. Kung nais mong subukan maglaro nito maaari mo itong makita sa PhlWin website. Kami ay nag aalok ng demo mode para sa baguhan at masubukan ang laro ng hindi nanganganib ang iyong pinaghirapang pera. Malay mo ang larong ito ay para sa iyo.

Sumali sa PhlWin at Manalo Habang Nagsasaya

Maraming mga tips ang iyong matutununan sa pagbabasa ng mga artikulo na aming ginawa sa aming website sa PhlWin Online Casino. Marami kang mababasa na gabay sa paglalaro ng laro na gusto mo. Nahuhumaling ka ba sa pag papaikot ng reel ng slot, tingin mo ba ay masuwerte ka? Bat di mo subukan ang roulette o craps. Gamitin ang iyong kasanayan sa paglalaro ng mga baraha katulad ng blackjack, baccarat o poker. Manalo habang nanunuod ng sports na gusto mo sa pamamagitan ng pagtaya dito. Anu pang hinihintay mo? Bisitahin na ang aming website at mag register!

FAQ

Ang isang draw sa video poker ay tumutukoy sa proseso ng pagpapalit ng mga hindi gustong card mula sa paunang dealt hand. Ang mga manlalaro ay maaaring magtapon at mag draw ng mga bagong card sa pag-asa na mapabuti ang kanilang kamay.

Ang Jacks or Better ay isang sikat na variant ng video poker kung saan ang pinakamababang panalong kamay ay isang pares ng Jack. Ang ibang mga variant ay maaaring may iba’t ibang minimum na kinakailangan para sa mga panalong kamay.

您不能複制此頁面的內容