3 Online Casino Games na May Mataas na House Edge

Talaan ng Nilalaman

Kung ikaw ay may planong maglaro sa mga online casino mahalagang malaman mo ang ibig sabihin o kahulugan ng house edge. Ang bawat laro sa casino ay may mga house edge na makakatulong sa iyong paglalaro. Para malaman mo kung para saan ito, papel nito sa laro, at paano mo gagamitin ang impormasyon nito para mapataas ang iyong pagkakataon manalo, ginawa ng PhlWin ang artikulong ito. Ipapakilala din namin ang mga sikat na online casino games na nagtataglay ng mataas na house edge.

Ano Nga Ba Ang House Edge?

Ang house edge ay ang kalamangan o kalaunan na nagiging tubo ng mga casino na kinukaha mula sa mga resulta ng mga laro nito. Ang mga kitang ito ay ginagamit para sa mga kinakailangan para sa pagpapatakbo ng mga online casino. Para sa mga manlalaro, mahusay na tignan ang house edge ng bawat laro bago ito subukan, sa paraang ito makakakuha ka ng ideya ng iyong posibilidad na manalo at magkano ang karaniwang binabayaran ng laro.

Online Casino Games Na May Mataas na house edge

Ang mga online casino games na may mataas na house edge ay mga laro na maaaring magbigay ng malalaking papremyo sa kabila ng posibilidad nito ay hindi pabor sa iyo. Nangangahulugan ito na ang laro ay talagang nagbibigay ng kapana-panabik na pakiramdam at adrenaline rush para sa mga manlalaro. Kaya naman alamin na natin ang mga larong ito.

American Roulette

Sikat ang larong roulette para sa maraming manlalaro ng casino lalo na sa mga naglalaro sa mga land-based casino dahil talaga namang exciting ang paglalaro nito kasama ang maraming mga manlalaro. Ang larong ito ay may dalawang sikat na uri, ang american at european. Ang tanging kaibahan ng dalawang larong ito ay ang isang numero na idinagdag sa wheel ng laro. Para sa European Roulette ang laro ay nagtataglay lamang ng isang zero (0) samantalang ang American Roulette ay dinagdagan ang laro ng dalawang zero (00).

Ang pagkakaiba sa dalawang ito ay mukhang may maliit na pagkakaiba ngunit kung titignan natin mabuti ang house edge ng European Roulette ay may 2.70% lamang samantalang ang American Roulette ay may 5.26%, na halos doble ng house edge European na bersyon dahil sa double zero. Kaya naman maraming batikang manlalaro ang mas pinipili ang european na bersyon dahil mas mahusay ang kanilang posibilidad na manalo dito.

Slot Machine

Ang slot ay kilalang kilang ng maraming mga manlalaro, sikat na sikat ito sa mga offline man o online casino. Dahil sa kaakit-akit na mga graphics, tunog at mga papremyo nito hindi maikakaila na maraming mga manlalaro ang mahal na mahal ang larong ito. Ang hatid na excitement sa pagbuo ng mga simbolo at mga kapalit nitong papremyo ang nagdadala ng larong ito. Ang house edge para sa larong ito ay naglalaro sa pagitan ng 2% hanggang 15% na talagang mataas.

Para sa mga slot, ang mga resulta ng laro ay nagmumula sa Random Number Generator (RNG). Ang RNG ay isang computer program na ginagawang random ang bawat resulta ng laro dahil dito hindi maaapektohan ng mga nakaraang resulta ang susunod na magiging resulta ng laro. Ito ang sisilbing paraan para maging patas ang isang laro ng slot. Ang mga slot ay may iba’t ibang mga tema at iba’t ibang uri ng laro na ginagawang magkakaiba ng house edge para dito.

Ang house edge ng slot ay malalaman sa pamamagitang ng pagtingin nito sa Return to Player (RTP) rate ng laro. Ang RTP ay ang porsyento na binabalik ng machine sa manlalaro nito pagkatapos ng ilang spin. Bilang Halimbawa ang mga slot na may 95% RTP ay mag babalik ₱95 para sa bawat ₱100 na taya.

Keno

Isa sa mga simpleng laro at may malaking premyo ay ang larong keno. Naging kilala ang larong ito dahil madali itong matutunan na papatok para sa mga baguhan. Gayunpaman, sa kabila ng pagiging simple nito ito ay may mataas na house edge. Ang paraan ng paglalaro ay kinakailangan mo mamili sa hanay ng mga numero (kadalasan 1-80) mula sa keno card. Mas madaming numero mas mataas ang premyo. Pagkatapos ng pagpili, ang machine ay mag draw na ng mga numero na magbibigay ng panalo kung tutugma ito sa numerong iyong napili.

Dahil sa dami ng pagpipiliang mga numero at dami ng kumbinasyon pinapakita na ang tiyansang makatama dito ay mababa, pinapakita nito na ang bahay ay may malaking kalamangan sa laro. Sa kabila ng mataas na house edge hindi naman matatawaran ang excitement na nadadala ng laro na nagmulala sa pag draw ng mga numero, at mga papremyo na maaaring mapanalunan sa laro. Kaya naman marami padin ang pinipili na subukan ang kanilang suwerte sa larong ito.

Mga Tips sa Online Casino Games na May Mataas na House Edge

  • Magtakda ng Bankroll at Manatili Dito
  • Maglagay ng Limitasyon sa Oras Paglalaro
  • Maging Responsableng Manlalaro
  • Itaya Lamang ang Kaya Mong Mawala
  • Mag Enjoy sa Paglalaro

Ang mga larong pinakita namin sa itaas ay talaga naman masayang laruin. Gamit ang mga tips na ibinigay namin mas mapapahusay mabuti ang iyong paglalaro at maiiwasan ang pagkaubos ng pinaghirapang pera. Tandaan ang mga online casino games ay nilikha para maglibang at dagdag lamang ang mga papremyo para gawin itong kapana-panabik ang karanasan hindi ito maaaring gawing hanap buhay na pinagmumulan ng kita. Lubos kaming umaasa na nakapagbigay kami ng impormasyon sa iyo sa pamamagitan ng artikulong ito.

Good Luck at Magsaya sa paglalaro Mula sa PhlWin!

Sumali sa PhlWin at Manalo Habang Nagsasaya

Maraming mga tips ang iyong matutununan sa pagbabasa ng mga artikulo na aming ginawa sa aming website sa PhlWin Online Casino. Marami kang mababasa na gabay sa paglalaro ng laro na gusto mo. Nahuhumaling ka ba sa pag papaikot ng reel ng slot, tingin mo ba ay masuwerte ka? Bat di mo subukan ang roulette o craps. Gamitin ang iyong kasanayan sa paglalaro ng mga baraha katulad ng blackjack, baccarat o poker. Manalo habang nanunuod ng sports na gusto mo sa pamamagitan ng pagtaya dito. Anu pang hinihintay mo? Bisitahin na ang aming website at mag register!

Karagdagang Artikulo Para sa Online Casino

您不能複制此頁面的內容