Talaan ng Nilalaman
Ang Martingale betting system ay isa sa mga betting system na ginagamit ng maraming mga manlalaro ng online casino, simple lang ito at madaling maunawaan kaya naman maraming ang gumagamit ng diskarteng ito. Ang kailangan lang gawin ng manlalaro ay doblehin ang kanyang taya sa tuwing siya ay makakaranas ng pagkatalo sa bawat round ng laro. Sa artikulong ito ng PhlWin ipapaliwanag namin kung paano nga ba gamitin ang Martingale betting system, at ano ang mga laro sa casino na maaaring gamitan ng diskarteng ito.
Tamang Paggamit ng Martingale Strategy
Ang Martingale betting system ay ginagamit sa mga laro na may halos 1 sa 2 pagkakataon manalo. Katulad ng sinabi na namin sa itaas kailangan mo lang doblehin ang iyong naunang taya kung ikaw ay nakaranas ng pagkatalo sa round ng iyong paglalaro. Bago simulan ang diskarteng ito, kailangan ng manlalaro na tukuyin kung magkano ang kanyang magiging bankroll sa laro, pagkatapos nito tukuyin kung ilang porsyento nito ang gagamitin sa bawat round ng paglalaro. Bilang halimbawa ang isang manlalaro na may ₱500 bankroll ay nais maglaro gamit ang 2% ng kanyang bankroll ay tataya ng ₱10 sa bawat round ng kanyang laro.
Sa ibaba ipapakita namin ang isang halimbawa kung papaano gamitin ang martingale betting system gamit ang ₱10 taya sa laro.
Halaga ng Taya | Resulta ng Laro | Kita |
₱10 | Panalo | ₱10 |
₱10 | Talo | 0 |
₱20 | Panalo | ₱20 |
₱10 | Talo | ₱10 |
₱20 | Talo | -₱10 |
₱40 | Talo | -₱50 |
₱80 | Panalo | ₱30 |
Kung iyong titignan ang halimbawa na talahanayan sa itaas, sa bawat pagkatalo ay nagdodoble ng taya, dahil dito ang isang panalong resulta ay nagbibigay pagkakataon na mabawi ang mga natalong taya.
Martingale Betting System sa Iba’t ibang Mga Laro sa Casino
Ngayon may kaalaman ka na kung paano gamitin ang Martingale Betting System, alamin naman natin kung saang mga laro natin maaaring gamitin ito. Ang Martingale Betting System ay pangunahing ginagamit sa roulette at craps. Gayunpaman, naaangkop din ang system para sa iba pang mga laro sa casino.
Roulette
Sa Roulette, madalas ginagamit ang Martingale betting system. Ang mga outside bets na Red/Black, Odd/Even at 1-18/19-36 ay madalas nag bibigay ng halos 50/50 pagkakataon manalo sa laro. Kaya naman ang paggamit ng martingale ay nakakatulong na magbigay ng pagkakataong makabuo ng malaking panalo pagdating sa panandaliang gameplay.
Craps
Ayon sa ilang mga eksperto, ang mga manlalaro ay ginagamit ng Martingale betting system sa craps dahil sa ito ay isang laro na may pinakamababang house edge. Ang pinakamahusay na mga taya kapag naglalaro ng craps ay ang 6 at 8 place bets, ang Pass at Don’t Pass line bets, ang Come and Don’t Come bets, pati na ang 4 at 10 buy bets.
Blackjack
Ang Martingale betting system ay maaari din mailapat sa paglalaro ng blackjack kahit na may mga pagkakataon na kailangan ng pagdodoble ng taya sa laro gamit ang double down at split. Ang posibilidad ng player na mapababa ang house edge gamit ang mga mahusay na diskarte, ay pinaniniwalaang mas makakabuo ng malaking kita kapag ginagamit ang martingale sa laro ng blackjack.
Baccarat
Isa ang baccarat sa mga laro na itinuturing na nagbibigay ng mababang house edge sa mga casino. Ibig sabihin nito ang paggamit ng Martingale betting system sa laro ay makakagawa ng malaking panalo sa laro nang Madali. Gayunpaman, katulad ng ibang laro dapat isa-isip na ang sunod-sunod na pagkatalo ay maaaring magresulta ng mabilis na pagkaubos ng bankroll.
Sumali sa PhlWin at Manalo Habang Nagsasaya
Maraming mga tips ang iyong matutununan sa pagbabasa ng mga artikulo na aming ginawa sa aming website sa PhlWin Online Casino. Marami kang mababasa na gabay sa paglalaro ng laro na gusto mo. Nahuhumaling ka ba sa pag papaikot ng reel ng slot, tingin mo ba ay masuwerte ka? Bat di mo subukan ang roulette o craps. Gamitin ang iyong kasanayan sa paglalaro ng mga baraha katulad ng blackjack, baccarat o poker. Manalo habang nanunuod ng sports na gusto mo sa pamamagitan ng pagtaya dito. Anu pang hinihintay mo? Bisitahin na ang aming website at mag register!