7 Live Casino Games – Impormasyon na Dapat Malaman

Talaan ng Nilalaman

Ang mga live casino games ay modernong paraan ng paglalaro ng mga laro sa casino. Dahil sa panahon ngayon kung saan ay halos lahat ng tao ay may access sa internet mas pinapadali na ang pamumuhay ng bawat tao. Ngayon para sa mga taong mas gustong mag relax kasabay ng paglalaro ng mga laro sa casino sa kanilang sariling tahanan ay ginagawa na itong posible gamit lamang ang kanilang mga mobile device at internet connection. Madali na nilang ma-access ang kanilang mga paboritong laro na may live at totoong mga dealer.

Hayaan mong ipagliwanag ng PhlWin sa artikulong ito kung ano ang live casino games, kaibahan nito sa online casino games at ang ilang mga laro na maaari mong malaro sa pamamaraang ito.

Live Casino Games: Paano ito Gumagana?

Ang mga live casino ay pinapagana ng mga modernong teknolohiya kung saan mga table game ng casino na may mga dealer ay maaaring malaro ng live gamit ang pamamaraan ng streaming. Ang mga software provider ng mga casino ay nag-stream ng kanilang mga live na laro mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Para maging matagumpay ito ang mga online casino at mga software provider ay nakikipagsosyo sa isa’t isa para ialok ang mga live na karanasan para sa mas maraming mga manlalaro.

Paano ito Gumagana? Ang mga dealer ay nakaupo sa mga live na mesa ng casino at kinukunan ng video sa real-time. Sa panahon ng laro, papanoorin ang mga dealer na nagbibigay-daan sa kanila na makita kung ano ang ipinapakita sa mga screen ng player. Ito rin ay nagpapahintulot sa kanila na sundin ang mga taya na ginawa at tingnan ang mga mensahe mula sa mga manlalaro na maaari nilang sagutin sa stream. Isa sa nakakasabik na aspeto ng live na laro sa casino ay idinedetalye ang ginagawa ng dealer sa panahon ng laro at ipinapadala sa monitor ng manlalaro.

Dahil sa mga makabagong software na ginagamit ng mga live casino madali nilang makilala ang mga manlalaro na nanalo o mga natalo. Sa paraan na ito madali nilang naibibigay ang mga panalo. Kaya naman ang paglalaro sa mga mga live casino games ay talagang maikukumpara sa isang live na setting ng land based casino.

Live Casino Games – Ang Kaibahan Nito sa Online Casino Games

Para lubos natin maunawaan ang kaibahan ng isang Online Casino Game at Live Casino games ipagkukumpara namin ang kaibahan ng dalawa sa ibaba at piliin kung ano ang sa tingin mo ang babagay sa iyong paraan ng paglalaro.

Online Casino Games

  • Ang bawat resulta ng laro ay nagmumula sa isang computer software na tinatawag na Random Number Generator (RNG).
  • Ang buong laro ay gumagana mula sa isang computer program.
  • Mas Maraming mga laro ang mapagpipilian.
  • Mahusay para sa mga manlalaro na gusto lamang ang paglalaro ng mag isa.
  • Mahuhusay na Bonus at Incentives.
  • Mabilis na paglalaro.

Live Casino Games

  • Ang mga resulta ng laro ay aktwal na nakikita at real time.
  • Ang mga laro ay ginagamitan ng totoong mga Card, Dice, Wheel at Bola.
  • Limitadong mga Laro ang Mapagpipilian.
  • Mahusay na paglalaro kasama ang iba’t ibang mga manlalaro.
  • Makatotohanang karanasan na katulad ng sa isang land-based casino.
  • Maaaring gamitin ang ilang mga diskarte katulad ng bluffing sa poker o minsan ang card counting.

Live Casino Games – Mga Laro na Mapagpipilian

Ngayon alam mo na kung paano gumagana ang isang live casino game at kaibahan nito sa isang online casino game. Marahil dapat na natin malaman kung anong mga laro ang iyong mga mapagpipilian sa paraan ng ganitong paglalaro.

Blackjack

Una sa listahan ang blackjack. Isa sa mga sikat na laro ng card hindi lang sa land based kundi pati na rin sa online casino. Naging kilala ang larong ito dahil sa pagiging simple ng laro na nababagay para sa mga baguhan. Ito rin ay nababagay sa mga batikang manlalaro na gusto gumamit ng mga diskarte para mapababa ang house edge ng laro. Kaya naman hindi mahirap na mapasama ito sa listahan ng mga Live Casino games. Dahil sa dagdag na elemento ng pakikipag-ugnayan sa ibang manlalaro mas lalong ginagawang masaya ang paglalaro ng live.

Roulette

Isa sa masasayang laro na makikita sa mga land-based casino, kasabay ng pagikot ng isang gulong at kung saan mapupunta ang bola ay isang kapana-panabik na karanasan para sa mga manlalaro. Ibang iba ang karanasan nito sa paglalaro ng online kaya naman ang pagdating ng live na pamamaraan ng paglalaro ay nabalik ang kapana-panabik na paglalaro. Maari mo nang masaksihan ang laro sa iba’t ibang angulo mula sa iyong screen. Ang paglalaro ng live ay halos katulad ng paglalaro sa tunay na casino.

Baccarat

Isa na ngayon sa mga sikat na live casino game sa Pilipinas dahil sa dami ng mga sikat na personalidad ang naglalaro nito. Kilala ang baccarat sa pagiging simple nito, kailangan mo lang mamili kung sino ang mananalo mula sa Player o Banker o maaari ka rin tumaya kung sa tingin mo ang dalawa ay mag Tie. Mas nagagawa ng live baccarat na mas kawili-wili at nakakalibang ang larong baccarat.

Poker

Para sa mga manlalaro ng gusto ang hamon mula sa iba’t ibang mga manlalaro at paggawa ng ilang mga diskarte ang live poker ang inyong magiging sandigan sa paglalaro ng live. Makisali sa tagisan ng talino mula sa iba’t ibang mga manlalaro mula sa mga uri ng laro ng Hold’em, Texas Hold’em, at Three Card Poker. ang larong poker ay sikat sa mga casino simula pa noong unang pinakilala ito. Katulad ng ibang laro na nagbago ang sigla simula ng mapunta ito sa online ang live na laro ang sumalo para bumalik ang sigla na nararapat sa laro.

Sic Bo

Ang Sic Bo ay isa sa mga sikat na laro ng dice sa mga casino kasunod ng craps. Siguradong lalaruin ng mga manlalaro ang live casino game na bersyon ng larong ito na ginawang kapana-panabik ang laro.

Craps

Ito ay isa din sa mga laro ng land-based casino na talagang dinurumog ng mga manlalaro at nagkakasiyahan. Katulad ng roulette ang paglalaro nito sa online casino ay hindi kasiya-siya kumpara sa personal na paglalaro nito. Kaya naman isa ito sa mga laro na dinala din ng live para mapahusay ang karanasan at maranasan ang pagkakatulad ng offline na paglalaro. Tumaya kasama ang dealer o laban sa isang dealer at mag pagulong na ng mga dice.

Bingo

Isa sa mga sikat na laro dahil sa malaking papremyo at kapana-panabik na paglalaro. Ang kailangan mo lang ay ilang mga pattern para manalo ng ilang papremyo o mabuo ang isang buong card mula sa mga numerong tinatawag. Ang live bingo ay talaga naman naging napakasikat para sa mga manlalaro na umaaasa sa swerte para manalo ng malaki.

Konklusyon

Para sa lahat ng manlalaro may kaniya-kaniya silang pamamaraan para maglaro, ang iba gusto lamang ang maglaro ng mag-isa ang iba naman ay gusto ang paglalaro kasama ang iba para makihalubilo. Kaya naman may dalawang paraan kung paano maglaro online. Ang ibang manlalaro ay hindi napapalagay sa mga resulta ng RNG dahil iniisip nila na ito ay maaaring dinadaya at gusto nila ang mga aktwal na resulta na makikita ng personal kaya naman ang live casino games ay nagawa para sa mga ganitong manlalaro.

Kung gusto mo ng aktwal na karanasan at may pagkakatulad sa isang land-based casino ang live casino games ang magandang paraan para maglaro ng mga laro sa casino at ito ay magagawa mo PhlWin. Pumili lamang sa aming mga hanay ng mga live na laro at umupo at magsaya. Ang PhlWin ay nag-aalok din ng iba’t ibang mga laro bukod sa mga live games marami din kaming mapagpipilian na mga slot na siguradong papatok sa iyong panlasa at sports betting para sa pagtaya sa iyong paboritong sports. 

Sumali sa PhlWin at Manalo Habang Nagsasaya

Maraming mga tips ang iyong matutununan sa pagbabasa ng mga artikulo na aming ginawa sa aming website sa PhlWin Online Casino. Marami kang mababasa na gabay sa paglalaro ng laro na gusto mo. Nahuhumaling ka ba sa pag papaikot ng reel ng slot, tingin mo ba ay masuwerte ka? Bat di mo subukan ang roulette o craps. Gamitin ang iyong kasanayan sa paglalaro ng mga baraha katulad ng blackjack, baccarat o poker. Manalo habang nanunuod ng sports na gusto mo sa pamamagitan ng pagtaya dito. Anu pang hinihintay mo? Bisitahin na ang aming website at mag register!

Karagdagang Artikulo Para sa Online Casino

您不能複制此頁面的內容